Sunday, February 18, 2007

paalam

salamat kaibigan sa iyong kabaitan... sa iyong pakikisama... sa iyong walang sawang pangungulit. napasaya mo ko sa mga sandaling nakasama ka namin. nagsilbi kang liwanag sa madilim kong mundo. binigyan mo ko ng pag-asa. ibinalik mo ang aking tiwala sa mga tulad nyo. napatunayan mong may matino pa pala sa mundong ito. minsan, ako'y nasaktan. nag-iba ang tingin ko sa inyo, sa mundo. may panahon na ang "pagi-ibig" ay wari'y konsepto na lamang sa akin, isang salitang nde kayang panghawakan, angkinin, damhin. salamat kaibigan. nang dahil sayo, bumalik ang positibo at makulay kong pananaw.

ngayon sa aking pagsulat, ako'y mamamaalam. nde sayo, ngunit sa aking nararamdaman. sa araw-araw kong pakikitungo sa iyo, unti-unti kitang nakilala. unti-unti kitang minahal. ngunit, alam kong dumaraan ka lang. isang anghel na tutulong saking makabangon, makalimot sa mapait kong nakaraan. ngayon, sa bawat pagpindot ko ng letra... tinatanggal na kita sa aking sistema. kakalimutan na kita... kakalimutan ko na na minsan ay nangarap akong makapiling ka. salamat sa sandaling pinasaya mo ko na halos maabot ko na ang langit. ngayon, sa araw na ito, tatanggapin ko nang ... ikaw ay isang panaginip lamang. isang pangarap na kailanman ay nde ko kayang abutin.

salamat kaibigan. nang dahil sayo, nde na asul ang aking mundo.